Mas panira ka ng umaga!
July 19, 2010Nung isang buwan lang, meron akong nirereklamong insidente tungkol sa pagbaba ng mga pasahero ng pang publikong sasakyan sa mga lugar na ipinagbabawal. Makikita nyo dito ung sinulat kong reklamo.
Ngayon, may reklamo ulit ako! Pero di tulad dati, wala nang pasaherong nanenermon o pumuputak dahil hindi binaba sa gusto niyang babaan… dahil this time, nagpilit yung pasahero na itabi yung jeep. Ang resulta, mas panira ng umaga! HINULI NA NG TRAFFIC ENFORCER YUNG JEEP NA SINASAKYAN KO! Anak ng teteng!
Pwede ba, para dyan sa mga taga QC City Hall, wag nga kayong baba ng baba sa gusto nyo lang babaan! Pag sinabing hindi pwede at may nanghuhuli dyan, intindihin nyo naman! Tagalog naman ang ginamit na lenguwahe ng drayber, hindi ba? BAWAL DYAN! Pag sinabing bawal, HINDI PWEDE ang ibig sabihin non! At uulitin ko mula sa una kong reklamo, kung tinatamad kayong bumaba sa tamang lugar dahil lang madadagdagan kayo ng extra limang hakbang aba, poblema nyo na yun! Wala kaming pakialam kung may pigsa kayo sa singit o dahil late na kayo, kahit ano pang rason nyo sa pagpara sa choice of place nyo, wag niyong ipilit! Try nyong mag ipon pang taxi niyo araw araw para kayo ang magdidikta sa drayber san kayo ibababa!
Lahat kaming pasahero ay walang nagawa at nanood lang sa drayber ng jeep at traffic enforcer na mag sigawan sa kahabaan ng bente minuto sa daan dahil lang ayaw magbigay ng lisensya nung isa, tapos yung isa kinakalas na yung plaka ng jeep! At dahil busy yung drayber na makipagpataasan ng boses sa enforcer, hindi namin siya masingil sa pamasahe namin para makalipat ng jeep! Ikaw ba naman, makukuhanan na nga lisensya, gugustuhin mo pa ba mawalang ng pera? Ang lalong nakakagigil pa, eh yung city hall employee–yung lintik na taong nagpilit pumara sa maling babaan–ayun, naglaho na. Malamang ay nakapag time in na (at malamang ay nagpapahinga sa upuan niya at kumakain ng agahan habang nalalamigan ng aircon ng opisina nila) habang kami nakatigil sa initan! Peste talaga yan, dahil sayo na iisang pasaherong matigas ang ulo, ilan ang naperwisyo? Ha???? Wala man siyang kaalam alam na may labing limang tao na nasa tabing kalsada at mukang tangang nanghihingi ng syete pesos sa drayber na may busangot na na muka gawa ng kamalasan niya sa umaga.
Hay buhay Pinoy!


